Pulong sa Mindanao nakatulong para pagtugmain ang mga nagpoproseso ng isda at mga 'exporters'

Inorganisa ng National Network on Women in Fisheries in the Philippines, Inc. o WINFISH ang isang pulong na may titulong "Fisheries Women Entrepreneurs Forum" sa Amontay Beach Resort, Nasipit, Agusan del Norte. Ang pulong na ito ay naglayon na matugunan ang mga balakid sa ugnayan at pagtutugma (matching) ng mga nagpo-proseso ng buhay, ilado, at naproseso ng isda sa mga ‘exporters.'

Ang pulong ay may temang "Developing the Entrepreneurial Skills of SMEs for Enhanced Export Market of Live and Frozen Fish and Fishery Products." Kasama ng WINFISH sa pag-organisa ng pulong ang Inland Aquatic Resources Research Division (IARRD) ng Department of Science and Technology-Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (DOST-PCAARRD), DOST Region XIII, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Regional Office XIII.

Nagbahagi ng kanilang mga karanasan at mga kwento ng tagumpay ang mga exporters mula sa rehiyon bilang 9, 10, 12, at 13, partikular sa produksyon at pagbebenta ng buhay at iladong isda at iba pang produktong hango sa isda.

Isang ‘workshop' din ang ginanap upang pag-usapan ang mga kinakailangang patnubay ng syensya at teknolohiya para sa pag-unland ng mga produkto sa bawat rehiyon.

Pitong mga saliksik ang binahagi ng mga tagapagsalita mula sa Department of Trade and Industry o DTI, BFAR, DOST, at ng pribadong sektor. Ang mga saliksik na ito ay nakatuon sa estado ng industriya, ‘packaging' at pagbebenta, estado ng kalakalan sa mga lugar na may ‘free trade,' tulong sa pagsisimula para sa mga negosyanteng kabilang sa micro, small, at medium enterprises (MSMEs), ‘hazard analysis' at ‘critical control points,' mga kinakailangan para sa sertipikasyon, at pagpaparehistro ng mga produktong buhay at ilado.

Dalawa sa mga nagpoproseso ng mga produkto ang naitugma sa dalawang exporters. Napagtugma ng pulong si Seth Ryan Delos Reyes, General Manager ng Super Royale Seafoods International, Inc. at si Ruth M. Lazarte ng Balingasag Producers Cooperative. Samantala, napatugma si Orlen H. Gaurana ng Agri-Aquatic Care Inc. sa exporter na si Jilna P. Hipona, may-ari at presidente ng JIDA Aqua Resources. Ang parehong pagtutugma ay ginawang pormal sa pamamagitan ng pagpirma ng ‘Memorandum of Understanding' o MOU para sa ‘market matching' ng prodyuser at tagapamili o ‘buyer.'

Binubuo ng 48 na mga kalahok ang pulong, kabilang na ang mga opisyal at kawani ng BFAR Central Office; BFAR Regional Offices 9, 10, 12, at 13; mga ‘exporters' o ‘processors' ng isda at mga produktong hango sa isda; kinatawan ng pribadong sektor, DTI, National Research Council of the Philippines (NRCP), PCAARRD, at mga opisyal ng WINFISH.

Source: http://www.pcaarrd.dost.gov.ph/home/portal/index.php/quick-information-dispatch/3072-pulong-sa-mindanao-nakatulong-para-pagtugmain-ang-mga-nagpoproseso-ng-isda-at-mga-exporters

Other News from Region 12

Hybrid Electric Road Train Tatakbo na sa GenSan?
Posted: Saturday, April 06, 2019
TATLO ang nilikhang mga solusyon upang maibsan ang suliranin sa mass transportation nuong panahon ng dating DOST Sec. Mario Montejo. Ito ay ang Automated Guideway Transit System na dati ay nasa Univ...   read full story

DOST sinusuportahan ang MSU-GSC Lake Sebu biodiversity project
Posted: Tuesday, October 16, 2018
Pag-aaralan ang ‘biodiversity' ng Lake Sebu sa isang proyekto na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).  Ang Lake Sebu ay isa sa pinakatanyag na ‘tourist attraction' sa South...   read full story

DOST supports MSU-GSC's Lake Sebu biodiversity project
Posted: Wednesday, October 03, 2018
MSU General Santos Campus Chancellor Abdurrahman T. Canacan (center) and Vice Chancellor Mary Lynn S. Abiera (left) with IARRD-PCAARRD Director Dalisay DG. Fernandez (right) during the Lake Sebu Pro...   read full story

PHIL. FOOD INDUSTRIES PENETRATED HUGE HALAL GLOBAL MARKET VIA DOST 12
Posted: Monday, July 02, 2018
DOST 12 has the looked upon specialists for Halal. Just recently one (1) of its employees in the name of Samerah B. Macabalang-Datudacula has finished her second Master's Degree, Master of Science in ...   read full story