Tagalog news: 'New-to-the-World Products' ng Marinduque, ipinakilala na ng DOST-PSTC

MOGPOG, Marinduque, Enero 16 (PIA)— Inilunsad ng Department of Science and Tecnology-Provincial Science and Technology Center (DOST-PSTC) Marinduque ang kanilang tinatawag na ‘New to the World Products'.

Ang mga produkto na tinutukoy ng DOST-PSTC ay ang vacuum fried dilis, malunggay crackers at coconut candy.

Ayon kay Eleazar Manaog ng DOST-PSTC, bukod sa mga pamilihan sa Marinduque ay iniaangkat na rin nila ang vacuum fried dilis sa labas ng probinsya samantalang ang malunggay crackers at coconut candies naman ay pansamantalang sa Marinduque lang muna mabibili lalo na sa mga paaralan.

Upang makagawa ng mga produktong ito, iba't ibang kooperatiba ang katuwang ngayon ng nasabing ahensya kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE). Sa paggagawa ng vacuum fried dilis, kaagapay nila ang Balanacan Multi-Sectoral Credit Cooperative, Batayang Pamayanang Kristiyano naman sa paggagawa ng malunggay crackers at Mogpog Vegetarian Growers naman ang gumagawa ng coconut candy.  Ang kita na naiipon mula rito ay direktang napupunta sa mga kooperatiba.

Nagsimula ang proyektong ito dahil sa pilot project ng pamahalaang bayan ng Mogpog kung saan ipinamahagi rin ng DOST- Industrial Technology Development Institute (DOST-ITDI) ang vacuum frier sa LGU. Ang pondo na ginamit dito upang mabuo ang pagsasagawa ng tatlong produktong ito ay nagmula sa Bottom-up Budgeting (BUB) funds ng bayan ng Mogpog.

Mayroon ding online marketing para sa mga nagnanais na bumili ng mga produkto ng Marinduque at ng iba pang probinsya sa rehiyon ng Mimaropa.  Maaari itong bisitahin sa www.mimaropaventures.ph. (PIA-MIMAROPA/Marinduque)

 

Source: http://pia.gov.ph/news/articles/1004101

Other News from Region 4b

Artificial reefs provide marine sanctuary off Tablas
Posted: Friday, May 17, 2019
MANILA, Philippines — A Buenavista, Marinduque steel fabricator has successfully built cube-shaped artificial reefs designed by the Department of Science and Technology (DOST), which have provided san...   read full story

LOCAL: 18 mag-aaral na taga-Romblon, pumasa bilang mga DOST Scholars
Posted: Wednesday, April 24, 2019
Labing-walong Grade 12 students mula sa iba’t-ibang paaralang pang-sekondarya sa Romblon ang pumasa sa qualifying exam ng DOST-Science Education Institute Undergraduate Scholarship. Ito ay bumubuo ...   read full story

Tagalog News: DOST, patuloy na tumatanggap ng aplikante para sa JLSS Program
Posted: Wednesday, April 24, 2019
Hinihikayat ni Christine F. Diwata, Science Research Specialist I, ng DOST Romblon ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo na mag-aplay sa naturang Scholarship Program upan...   read full story

Tagalog News: 18 mag-aaral na taga-Romblon, pumasa bilang mga DOST Scholars
Posted: Tuesday, April 23, 2019
Larawan ng gusali ng DOST – Provincial Science and Technology Center na matatagpuan sa J.P. Laurel St. Brgy. Tabing-dagat, Odiongan, Romblon.(Dinnes Manzo/PIA-Romblon) ODIONGAN, Romblon, Abril 23 (...   read full story