Patis na gawa sa tahong na mababa ang ‘sodium,' dinebelop ng UP Visayas

Ang ‘functional food,' isang bahagi ng industriya ng pagkain, ay isa sa mga pinakamabilis umasenso at lumago ngayong nakaraang mga taon. Ito ay tinatawag na ‘functional' dahil ang mga pagkain na ito ay nakakapagpalusog. Ang patis at iba pang pinaasim o ‘fermented' na produkto ay hindi maaaring makabilang sa ‘functional food' dahil mataas ang ‘sodium' nito. 

Upang makagawa ng patis na ‘low-salt,' ang University of the Philippines (UP) Visayas ay gumamit ng tahong (Perna viridis) bilang pangunahing sangkap. 

Ang proyektong ito ay pinangunahan ni Ernestina M. Peralta ng UP Visayas Institute of Fish Processing Technology. Ito ay pinondohan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).

Ang Pilipinas ay sagana sa tahong. Bukod sa itinuturing ito ng mga mangingisda bilang importanteng kalakal, mas gusto nila itong alagaan dahil kaunti lamang ang kinakailangan na materyales at puhunan para ito ay paramihin. 

Maaaring gamiting alternatibong materyal ang tahong sa paggawa ng patis. Ito ay mataas sa protina, ‘amino acids,' ‘calcium,' at ‘iron.' Mababa rin ito sa ‘fat,' ‘cholesterol,' at ‘calories.' 

Ang tahong ay isang likas na sangkap para sa pagkain at sawsawan. Maaari nitong gawing mas malinamnam ang pagkain at mapabuti ang pagtunaw ng protina.

Source: http://www.pcaarrd.dost.gov.ph/home/portal/index.php/quick-information-dispatch/3262-patis-na-gawa-sa-tahong-na-mababa-ang-sodium-dinebelop-ng-up-visayas

Other News from Region 6

PSHS scholarship up for Grade 6 pupils
Posted: Friday, July 05, 2019
NEGROS OCCIDENTAL, July 4 (PIA) -- Graduating elementary students who have high aptitude in science and mathematics are urged to apply for a scholarship in secondary education under the Philippine Sci...   read full story

LGUs in W. Visayas urged to utilize DOST weather system
Posted: Wednesday, June 26, 2019
WEATHER WATCH.The Department of Science and Technology in Western Visayas (DOST 6) urges the local government units to utilize its web-based monitoring system 'Bantay Panahon' for real-time weather ...   read full story

DOST to LGUs: Adopt technology for smart governance
Posted: Monday, June 24, 2019
ILOILO CITY, June 21 (PIA) -- The Department of Science and Technology - Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD) is encouraging local g...   read full story

DOST to establish satellite data receiving station in Iloilo
Posted: Monday, June 17, 2019
Department of Science and Technology - Philippine Council for Industry, Energy and Emerging Technology, Research and Development (PCIEERD) Executive Director Dr. Enrico Paringit (PNA photo by Perla ...   read full story