Industriya ng 'citrus' sa Nueva Vizcaya, lubhang nakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa probinsya

Isang mensahe ang ibinahagi kamakailan ng Gobernador ng Nueva Vizcaya na si Carlos M. Padilla sa Farms and Industry Encounters Through the Science and Technology Agenda o FIESTA sa Citrus na itinaguyod ng Cagayan Valley Agriculture, Aquatic and Resources Research and Development's (CVAARRD) at ng mga ahensyang kasapi nito. 

Ang Citrus FIESTA ay ginanap noong Setyembre 13 at 14 sa Capitol Convention Center, Nueva Vizcaya at may temang "FIESTA in the Valley: Convergence Towards Support and Development for the Citrus Industry."

Ang CVAARRD ay isa sa mga research and development consortia ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (DOST-PCAARRD).

Sinabi ni Padilla na dahil sa industriya ng citrus, nagkaroon ng trabaho ang mga mamamayan sa Malabing Valley sa munisipalidad ng Kasibu sa Nueva Vizcaya. Madami ang nagtatanim ng citrus sa Kasibu. Bukod sa Malabing Valley, ang citrus ay itinatanim din sa lima hanggang pitong barangay na kalapit nito. 

Dahil sa kasaganaan ng citrus sa probinsya, tinagurian ang Nueva Vizcaya bilang ‘Citrus Capital' ng Region II. Inaasahan ni Padilla na balang araw ay magiging ‘citrus capital' ng Pilipinas ang probinsya. 

Bukod sa pagtatanim ng citrus, gumagawa rin ng mga produktong hango sa nasabing prutas ang mga taga-Nueva Vizcaya. Ilan sa mga produktong ito ay ang alak, ‘cider,' sabon, at palaman sa tinapay. 

Isa sa pinaka-unang nagtanim ng citrus sa Nueva Vizcaya si Alfonso Namujhe. Siya ay naging modelo ng maraming nagsasaka ng citrus sa buong bansa. 

Ang DOST, PCAARRD, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Agriculture (DA), Nueva Vizcaya State University (NVSU), at iba pang State Universities and Colleges (SUCs) ang tumulong upang maging matagumpay ang industriya ng citrus sa Nueva Vizcaya.

Source: http://www.pcaarrd.dost.gov.ph/home/portal/index.php/quick-information-dispatch/3301-industriya-ng-citrus-sa-nueva-vizcaya-lubhang-nakatulong-sa-pagpapabuti-ng-kalidad-ng-buhay-sa-probinsya

Other News from Region 2

SUN LIFE FOUNDATION CONCLUDES PROJECT 120 CLASSROOM ON A HIGH NOTE
Posted: Wednesday, April 17, 2019
SUN Life Financial Philippines Foundation Inc., in partnership with Children’s Hour, has successfully concluded Project 120 Classrooms, an initiative aiming to build 120 classrooms in areas that w...   read full story

Lalawigan ng Cagayan, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol
Posted: Monday, April 15, 2019
Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bayan ng Calayan sa lalawigan ng Cagayan. Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 63 kilometers Southwest ng bayan ng Calayan, alas-9:32 ng umaga ng Lunes (Ap...   read full story

Magnitude 5 na lindol niyanig ang Calayan, Cagayan
Posted: Monday, April 15, 2019
MANILA, Philippines — Naitala ang magnitude 5 na lindol ngayong Lunes sa Calayan, Cagayan alas-nuebe trenta y trenta ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Bagama't wal...   read full story

Pinoy archaeologists discover new human species, Homo luzonensis
Posted: Sunday, April 14, 2019
A new species, Homo luzonensis, has been discovered based on bones and teeth found in Callao Cave in northern Luzon that date back over 50,000 years. PHOTO FROM NATURE MAGAZINE The discovery of a...   read full story