MAKABAGONG TEKNOLOHIYA, PRODUKTO, TAMPOK SA ALAMINOS

alt
 

Itinakda na ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) dito sa rehiyon uno ang selebrasyon ng Linggo ng Agham at Teknolohiya o Regional Science and Technology Week noong ika-18 hanggang ika-21 ng Setyembre na may temang, "Science for the People: Innovation for collective prosperity", kung saan tampok ang iba't ibang produkto, proyekto at makabagong kaalaman sa agham at teknolohiya.

Ang nasabing selebrasyon ay taun-taong isinasagawa ng kagawaran bilang isang paraan ng pagbibigay kahalagahan ng agham at teknolohiya sa pag-unlad ng bansa, at maisapubliko ang mga teknolohiya at inobasyon na makakatulong para matugunan ang ilang mga suliranin sa lipunan.

Kabilang sa mga aktibidades sa apat na araw na selebrasyon ay ang pagpapakita ng mga makabagong produkto ng mga State Universities and Colleges gaya ng Pangasinan State University (PSU) at Philippine Science High School (PSHS). Magpapakita din ng mga teknolohiya ang mga DOST-Research and Development Institutes at councils gaya ng Forest Products Research and Development Institute (FPRDI), Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD), Advanced Science and Technology Institute (ASTI), Metals Industry Research and Development Center (MIRDC), at iba pang mananaliksik na ahensya ng DOST.

Inanyayahan din ng DOST ang ilang benepisyaryo ng Small Enterprises Technology Upgrading Program (SETUP) mula sa apat na lalawigan ng rehiyon sa technology-bazaar para maibahagi ang kanilang mga produkto sa madla. Maliban sa mga ito, inaasahan din ang mga seminar at training, technology forum, press conference, libreng kalibrasyon ng timbangan sa mga palingke, libreng pagkuha ng Blood Pressure (BP) at health assessment sa pamamagitan ng teknolohiyang RxBox, science quiz bee, at iba pa.

Source: http://region1.dost.gov.ph/20-featured-articles/273-makabagong-teknolohiya-produkto-tampok-sa-alaminos

Other News from Region 1

407 HIGH SCHOOL IN REGION I QUALIFIES DOST UNDERGRADUATE SCHOLARSHIP
Posted: Wednesday, April 17, 2019
The Department of Science and Technology – Science Education Institute (DOST-SEI) announces the 2019 S&T scholarship qualifiers who took the nationwide qualifying exam last October 21, 2018. A total o...   read full story

DOST-1 invites aspiring S&T scholars
Posted: Tuesday, April 16, 2019
SAN FERNANDO CITY, April 16 (PIA) -- The Department of Science and Technology Region I (DOST-1) calls on interested students to apply for the Junior Level Science Scholarship (JLSS) until April 26, 20...   read full story

WEATHER STATION IN SUGPON, ILOCOS SUR
Posted: Monday, April 15, 2019
One for All, All for One. DOST1 Staff and the Local Government Unit of Sugpon, Ilocos Sur joined force in the installation of the Weather Station. “On behalf of the Local Government Unit of Sugpo...   read full story

DOST Region 1 to host Luzon Regional Scientific Meeting
Posted: Friday, April 12, 2019
DOST-1 Regional Director Armando Q. Ganal (right) informs the listeners of the Kapihan sa Ilocos that their office is set to host the Luzon Regional Scientific Meeting at the Don Leopoldo Convention...   read full story