DOST sinusuportahan ang MSU-GSC Lake Sebu biodiversity project

Pag-aaralan ang ‘biodiversity' ng Lake Sebu sa isang proyekto na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST). 

Ang Lake Sebu ay isa sa pinakatanyag na ‘tourist attraction' sa South Cotabato. 

May titulong "Trophic status and aquatic biodiversity assessment for sustainable upland freshwater ecosystems in the municipality of Lake Sebu, South Cotabato" ang proyekto. 

Ito ang unang proyekto ng Mindanao State University-General Santos (MSU-GSC) na pinondohan ng DOST sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.   

Bumisita ang mga kinatawan ng Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development of DOST (DOST-PCAARRD) at DOST sa Lake Sebu kamakailan kasabay ng unang pulong para a Lake Sebu Project ng MSU-GSC. 

Kabilang sa delegasyon sina Director Dr. Dalisay DG. Fernandez, Engr. Eduardo V. Manalili at Ms. Anna Mae S. Pastidio ng Inland Aquatic Resources Research Division (IARRD) ng PCAARRD. 

Kinatawan naman sa pulong ang DOST ng Special Projects Division Chief na si Armela K. Razo at staff na si Dexter LA. Bautista. 

Ang Lake Sebu biodiversity project, ay pinangungunahan ni Dr. James Namocatcat ng MSU-GSC. Mahalaga ang proyekto sa pangangalaga ng Lake Sebu bilang isang natatanging lugar para sa turismo.   

Layon ng proyekto na repasuhin ang mga lokal na ordinansa, mga komprehensibong plano sa paggamit ng mga kalupaan, ‘master plans,' at iba pang mga katulad na dokumento para sa pagbalangkas ng mga polisiya, kabilang ang iba pang mga kaugnay na hangarin.  

Sa katapusan ng proyekto, inaasahang makapagbibigay ito ng ‘biodiversity profile,' ‘bathymetry,' at ‘river hydrology' ng tatlong ‘upland ecosystem' ng munisipalidad ng Lake Sebu, kabilang ang iba pang ‘outputs.' 

Kasama rin sa binisita ng pangkat ang Lake Siluton, Lake Lahit, at kabilang ang Seven Falls. Ang tatlong lawa na binisita sa ilalim ng proyekto ay mahahalagang pinagkukunan ng tilapia at iba pang isdang tubig tabang ng mga maliliit na mangingisda.

Source: http://www.pcaarrd.dost.gov.ph/home/portal/index.php/quick-information-dispatch/3320-dost-sinusuportahan-ang-msu-gsc-lake-sebu-biodiversity-project

Other News from Region 12

PhilSci accepts applications for SY 2020-2021
Posted: Wednesday, July 17, 2019
KORONADAL CITY, South Cotabato, July 16 (PIA) – The Philippine Science High School (PSHS) is now accepting applications for the National Competitive Examination (NCE) for incoming Grade 7 students for...   read full story

DOST, NAST hold Mindanao-wide scientific confab
Posted: Wednesday, June 26, 2019
KORONADAL CITY, South Cotabato, June 25 (PIA) – Scientists, academicians, and policy makers gathered in Koronadal City on June 18  to 19 to discuss pressing issues related to science and technology.  ...   read full story

Hybrid Electric Road Train Tatakbo na sa GenSan?
Posted: Saturday, April 06, 2019
TATLO ang nilikhang mga solusyon upang maibsan ang suliranin sa mass transportation nuong panahon ng dating DOST Sec. Mario Montejo. Ito ay ang Automated Guideway Transit System na dati ay nasa Univ...   read full story

DOST'S FISHERY BIOLOGIST AWARDED AT DOST'S 2019 WOMEN'S MONTH CELEBRATION
Posted: Wednesday, March 27, 2019
Profile of DR. HADJA SITTIE SHAYMA ZENAIDA P. HADJI RAOF LAIDAN Dr. Hadja Sittie Shayma Zenaida Pangarungan Hadji Raof-Laidan is no ordinary lady in the southern part of our archipelago. Her vast l...   read full story