Hybrid Electric Road Train Tatakbo na sa GenSan?

alt

TATLO ang nilikhang mga solusyon upang maibsan ang suliranin sa mass transportation nuong panahon ng dating DOST Sec. Mario Montejo. Ito ay ang Automated Guideway Transit System na dati ay nasa University of the Philippines at DOST Head Office sa Bicutan, ang Hybrid Train na nasa Testing stage ng Philippine National Railways ngayon at ang Hybrid Electric Road Train na unang pinatakbo sa Clark pampanga at Cebu.

Sa mga nakaraang panayam sa DOST sinabi nilang ia Adapt ng Panay railways ang nasabing sasakyan upang patakbuhin sa buong panay island gamit ang right of way ng kanilang mga dating railroad tracks na ngayon ay mga makikitid na lamang na mga kalsada.

Bago idaos ang World halal Assembly sa maynila ay nasa General santos kapwa ang www.diaryongtagalog.net, www.dzmjonline.net at ang www.diaryongtagalogdzmj.blogspot.com upang ikober ang isang malaking aktibidad ng mga Muslim at napansin namin na may pamilyar na sasakyan sa plaza ng GENSAN at malapit lamang sa aming venue.

Hindi nga kami nagkamali at ito ang Hybrid electric Road Train ng DOST, ang bus na may tatlong bagon at umaandar na parang tren. nakausap namain ang nagbabantay nito at sinabing naka iskedyul pa umano itong paandarin sakaling makapunta na duon ang driver nitong manggagaling pa ng Maynila.

Sakaling paandarin ngaito sa GENSAN ay unang dapat bigyan ng kredito ay ang masipag na Regional Director ng DOST Region 12 na si Dr. Zenaida Laidan na bukod sa pag aasikaso sa promosyon ng Halal sa bansa ay naisasabay pa niyang dalhin at ibahagi ang teknolohiya ng DOST na solusyon sa suliranin ng mass transport.

Source: http://www.diaryongtagalog.net/agham/hybrid-electric-road-train-tatakbo-na-sa-gensan/

Other News from Region 12

PhilSci accepts applications for SY 2020-2021
Posted: Wednesday, July 17, 2019
KORONADAL CITY, South Cotabato, July 16 (PIA) – The Philippine Science High School (PSHS) is now accepting applications for the National Competitive Examination (NCE) for incoming Grade 7 students for...   read full story

DOST, NAST hold Mindanao-wide scientific confab
Posted: Wednesday, June 26, 2019
KORONADAL CITY, South Cotabato, June 25 (PIA) – Scientists, academicians, and policy makers gathered in Koronadal City on June 18  to 19 to discuss pressing issues related to science and technology.  ...   read full story

Hybrid Electric Road Train Tatakbo na sa GenSan?
Posted: Saturday, April 06, 2019
TATLO ang nilikhang mga solusyon upang maibsan ang suliranin sa mass transportation nuong panahon ng dating DOST Sec. Mario Montejo. Ito ay ang Automated Guideway Transit System na dati ay nasa Univ...   read full story

DOST'S FISHERY BIOLOGIST AWARDED AT DOST'S 2019 WOMEN'S MONTH CELEBRATION
Posted: Wednesday, March 27, 2019
Profile of DR. HADJA SITTIE SHAYMA ZENAIDA P. HADJI RAOF LAIDAN Dr. Hadja Sittie Shayma Zenaida Pangarungan Hadji Raof-Laidan is no ordinary lady in the southern part of our archipelago. Her vast l...   read full story