AGT NG UP DILIMAN NASA BPSU NA NG BATAAN

altAGT AYAW NG DILIMAN DALHIN SA BATAAN

TINANGGIHAN marahil sa mas gusto ng mga mag aaral ng Unibersidad ng Pilipnas ang tradisyunal na UP Ikot na pampasaherong jip kaysa sa makabagong monorail na gawang pinoy. Ito ang sapantaha ng maraming tinanong ng www.diaryongtagalog.net bukod sa katotohanang kapag naging operational ang monorail o Automated Guideway transit (AGT) ay tiyak na mamamatay ang biyahe ng jip sa loob ng pamantasan.

Ang AGT ay isa sa tatlong mahalagang proyekto ng dating kalihim ng DOST Mario Montejo na tanging wala pang nag a adopt. Ayon kay DOST Sec Fortunato T de la Pena sa kanyang talumpati nitong nakaraang Regional Science and Technology Week sa Cordillera Administrative Region (RSTW CAR).

Ayon sa kalihim, may kaunting mga test pa na ginagawa ang Department of Transportation upang tuluyan nang mapa andar sa mga riles ng Philippine National Railways ang DOST Hybrid Train. Ang alupihang bakal na ito ay pinapaandar hindi lang ng Diesel Engine kundi pati rin ng kuryente at 100% pinoy ang gumawa at ang mga miyesa ay lokal.

Ang isa namang tren ay ang Hybrid electric Road Train ay ang parang bus na magkarugtong,  ayon kay Sec dela Pena, ang nasabing sasakyan ay malapit nang patakbuhin sa dating tracks ng Panay railways na ginawa ng kalsada ngayon. Ang hybrid electric Road Train ay parang tren dahil magkarugtong ito na parang dalawang bagon kaya lang hindi siya tumatakbo gamit ang riles bagkus ito ay may gulong na goma kaya ang tracks na tatakbuhan nito ay kalsada.

Nakipag usap na ang DOST sa Bataan Peninsula State University sa Balanga Bataan upang duon ilipat ang AGT na nasa UP Diliman at sa DOST Central Office sa Taguig upang mapakinabangan ng kapwa mag aaral at mga residente ng nasabing lugar. Bukod sa lalawigan ng Bulacan, malapit din sa puso ng Kalihim ang Bataan na siya rin niyang lalawigang kinalakihan

Source: http://www.diaryongtagalog.net/agrikultura/agt-ayaw-ng-diliman-dalhin-sa-bataan/

Other News from Region 3

Philippine Space Agency
Posted: Thursday, September 19, 2019
Finally, we have a Philippine Space Agency (PhilSA), with President Duterte signing a law on Aug. 8 creating that agency. Some P2 billion in initial funds will be allocated, and the Clark Special Econ...   read full story

Tagalog News: DOST, nagkaloob ng 10M sa Bulacan State U
Posted: Wednesday, June 19, 2019
Panauhing pandangal si Science and Technology Secretary Fortunato Dela Pena (pangatlo mula kanan) sa isinagawang pagtatapos ng mga nasa kursong Inheneriya sa Bulacan State University. (Shane F. Vela...   read full story

Tagalog News: Pag-angat ng Pilipinas sa Global Innovation Index, target ng DOST
Posted: Wednesday, June 19, 2019
  Panauhing pandangal si Science and Technology Secretary Fortunato Dela Pena sa isinagawang pagtatapos ng mga nasa kursong Inheneriya sa Bulacan State University. (Shane F. Velasco/PIA 3) ...   read full story

Guiguinto aims to become garden capital of PHL
Posted: Monday, May 20, 2019
Science Secretary Fortunato de la Peña (center) leads the visit to the planned site of Guiguinto’s Garden City Innovative Laboratory for Tissue Culture for Ornamental Plants. He is joined by Mayor A...   read full story