Tagalog News: DOST, patuloy na tumatanggap ng aplikante para sa JLSS Program

alt

Hinihikayat ni Christine F. Diwata, Science Research Specialist I, ng DOST Romblon ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo na mag-aplay sa naturang Scholarship Program upang makapag-aral ng libre sa kolehiyo.(Dinnes Manzo/PIA-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Abril 24 (PIA) -- Ang Department of Science and Technology (DOST) – Provincial Science and Technology Center sa Romblon ay patuloy na tumatanggap ng aplikante para sa Junior Level Science Scholarship Program.

Sa ginanap na Kapihan sa PIA ay hinihikayat ni Christine F. Diwata, Science Research Specialist I, ng DOST Romblon ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo na mag-aplay sa naturang Scholarship Program upang makapag-aral ng libre sa kolehiyo.

Ang mga maaaring maging scholar ay dapat natural-born Filipino citizen at kasalukuyang nag-aaral sa alinmang kursong kinikilala ng ahensya na may kinalaman sa siyensya at teknolohiya.

Kailangang tiyakin na hindi bababa ng 83 porsiyento ang general weighted average, walang bagsak na grado sa mga nagdaang semester at higit sa lahat ay maipasa ang JLSS examination.

Taunang makatatanggap ang isang JLSS scholar ng P40,000 para sa matrikula at iba pang bayarin sa paaralan. Bukod pa dito, makatatangap din ang scholar ng book allowance, premium insurance, buwanang allowance at post-graduation clothing allowance.

Magkakaloob din ng transportation allowance ang ahensya para sa mga mag-aaral sa labas ng kanilang lalawigan at summer allowance naman kung nakasaad sa curriculum.

Kabilang sa hinihinging dokumento ang sumusunod: application form na maaaring idownload sa website ng DOST-Science Education Institute (DOST-SEI), www.sei.dost.gov.ph; certificate of good moral character; certificate of good health; certificate of program of study and year level; official transcript of records (TOR) o true copy of grades; dalawang 1”x1” pictures; photocopy ng birth certificate; at photocopy ng anumang dokumento na naglalaman ng DepEd Learner Reference number.

Samantala, kailangan ding dalhin ng mga aplikante sa RA 7687 o kabilang sa pamilyang may gross income na mas mababa sa Php 301,000 ang patunay na residente siya sa kinatitirhang munisipyo sa loob ng nakaraang apat na taon, household information questionnaire, Income Tax Return ng mga mga magulang at employment contract kung ang magulang ay OFW, BIR certificate of tax exemption, at mga electric bill sa nagdaang tatlong buwan.

Ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon ay hanggang sa Abril 26 at nakatakda namang isagawa ang JLSS Scholarship Examination sa darating na Hunyo 2.

Para sa mga kwalipikadong estudyante, isumite ang mga kinakailangang dokumento sa DOST-Provincial Science and Technology Center simula 8:00 n.u hanggang 5:00 n.h, Lunes-Biyernes.

Para sa karagdagang impormasyon, magsadya lamang sa tanggapan ng DOST – PSTC Romblon na matatagpuan sa J.P Laurel St., Brgy. Tabing-dagat, Odiongan sa tabi ng Bungoy river o tumawag sa mga numerong 09989844385 (smart) o 09778368162 (globe) at hanapin si Ms. Jacinth Pearl D. Fradejas, scholarship coordinator.

Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1021232

Other News from Region 4b

Tagalog News: 16 DOST-SEI scholars, sumailalim sa oryentasyon, lumagda sa kontrata
Posted: Tuesday, May 28, 2019
Ang 16 bagong iskolar ng DOST-SEI na nanumpa at pumirma sa kontrata bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo ng programa.  (Larawan ni Lyn Famisaran/DOST-Romblon) ODIONGAN, Romblon, Ma...   read full story

Artificial reefs provide marine sanctuary off Tablas
Posted: Friday, May 17, 2019
MANILA, Philippines — A Buenavista, Marinduque steel fabricator has successfully built cube-shaped artificial reefs designed by the Department of Science and Technology (DOST), which have provided san...   read full story

LOCAL: 18 mag-aaral na taga-Romblon, pumasa bilang mga DOST Scholars
Posted: Wednesday, April 24, 2019
Labing-walong Grade 12 students mula sa iba’t-ibang paaralang pang-sekondarya sa Romblon ang pumasa sa qualifying exam ng DOST-Science Education Institute Undergraduate Scholarship. Ito ay bumubuo ...   read full story

Tagalog News: DOST, patuloy na tumatanggap ng aplikante para sa JLSS Program
Posted: Wednesday, April 24, 2019
Hinihikayat ni Christine F. Diwata, Science Research Specialist I, ng DOST Romblon ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo na mag-aplay sa naturang Scholarship Program upan...   read full story