Tagalog News: 16 DOST-SEI scholars, sumailalim sa oryentasyon, lumagda sa kontrata

/news/images/orientation-and-moa-signing-of-dost-undergraduate-scholars-02.jpg

Ang 16 bagong iskolar ng DOST-SEI na nanumpa at pumirma sa kontrata bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo ng programa.  (Larawan ni Lyn Famisaran/DOST-Romblon)

ODIONGAN, Romblon, Mayo 27 (PIA) -- Isinailalim sa oryentasyon at lumagda sa kontrata ang 16 na estudyanteng Romblomanon na pumasa sa Department of Science and Technology-Science Education Institute (DOST-SEI) undergraduate scholarship.

Ang 16 estudyante na ito ay mula sa iba’t ibang bayan ng Romblon na kinabibilangan ng Alcantara, Banton, Cajidiocan, Calatrava, Corcuera, Ferrol, Looc, Odiongan, Romblon, San Fernando at Sta. Fe.

Ang scholarship orientation at contract signing ay pinangunahan ni Provincial Director Marcelina V. Servañez ng DOST-Romblon kung saan kanyang binati ang mga iskolar ng bayan at ipinaliwanag sa mga ito kung ano ang mga benepisyong matatanggap sa pamahalaan habang sila’y nag-aaral.

Pinayuhan rin ng opisyal ang mga tinagurian nitong 'bagong isko at iska ng bayan’ na pagbutihin ang pag-aaral at huwag sayangin ang pagkakataong makapag-aral ng libre sa kolehiyo upang makapagtapos at makatulong sa kanilang mga magulang pagdating ng araw.

Tinalakay naman ni Lyn J. Famisaran, Project Assistant II ng Provincial Science and Technology Center (PSTC) Romblon sa mga bagong scholars ang mga polisiya na dapat sundi gayundin ang kaakibat na responsibilidad bilang isang DOST scholar.

Kasunod nito, pumirma sa kontrata bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo ng programa at nanumpang tutuparin ang mga kondisyon ng pamahalaan bilang kapalit sa libreng edukasyon.

Ang undergraduate scholarship ng DOST sa ilalim ng Republic Act No. 7687 ay naglalayong makatulong sa pag-aaral ng mga magagaling na estudyanteng papasok ng kolehiyo at kukuha ng kursong may kinalaman sa agham at teknolohiya sa mga unibersidad na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang mahuhusay na iskolar ay tatanggap ng mga sumusunod na pribilehiyo: P40,000/academic year para sa matrikula iba pang bayarin sa paaralan (if applicable), P10,000/year para sa book allowance at P7,000 na monthly stipend.

May nakalaan ding allowance pan- transportasyon para sa mga estudyante na naninirahan sa labas ng lalawigan. (DMM/PIA-MIMAROPA/Romblon)

Source: https://pia.gov.ph/news/articles/1022345

Other News from Region 4b

Tagalog News: 16 DOST-SEI scholars, sumailalim sa oryentasyon, lumagda sa kontrata
Posted: Tuesday, May 28, 2019
Ang 16 bagong iskolar ng DOST-SEI na nanumpa at pumirma sa kontrata bilang katibayan ng pagiging benepisyaryo ng programa.  (Larawan ni Lyn Famisaran/DOST-Romblon) ODIONGAN, Romblon, Ma...   read full story

Artificial reefs provide marine sanctuary off Tablas
Posted: Friday, May 17, 2019
MANILA, Philippines — A Buenavista, Marinduque steel fabricator has successfully built cube-shaped artificial reefs designed by the Department of Science and Technology (DOST), which have provided san...   read full story

LOCAL: 18 mag-aaral na taga-Romblon, pumasa bilang mga DOST Scholars
Posted: Wednesday, April 24, 2019
Labing-walong Grade 12 students mula sa iba’t-ibang paaralang pang-sekondarya sa Romblon ang pumasa sa qualifying exam ng DOST-Science Education Institute Undergraduate Scholarship. Ito ay bumubuo ...   read full story

Tagalog News: DOST, patuloy na tumatanggap ng aplikante para sa JLSS Program
Posted: Wednesday, April 24, 2019
Hinihikayat ni Christine F. Diwata, Science Research Specialist I, ng DOST Romblon ang mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo na mag-aplay sa naturang Scholarship Program upan...   read full story