FACE MASK NG DOST PASADO SA WHO

Celia-Elumba.jpg

PUMASA sa ipinatutupad na guidelines ng World Health Organization (WHO)  ang bagong develop na face mask ng Philippine Textiles Research Institute (PTRI) ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay PTRI Director Celia Elumba, isa sa kontribusyon ng DOST sa panawagan ng pamahalaan para sugpuin kumakalat na Covid-19 sa bansa ang binuong bago at mas kapaki-pakinabang na face mask.

Sinabi ni Elumba na ang re-wear face mask ay gawa sa mga fabric na water repellent.

Aniya, ginawa ito ng dalawang manufactu­rers kung saan ang isa ay para sa lokal na merkado habang ang isa naman ay para sa pang-export.

Idinagdag pa ng opisyal na sumasailalim ito sa testing upang mas masiguro na nakasunod sa ipinatutupad na panuntunan ng WHO.

Nabatid na ang re-wear o re-usable, washable, re-wearable face mask brand ng cloth mask ay isa sa quick response ng DOST-PTRI kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin pa ni Elumba na hindi ibi­nebenta ang mga natu­rang rewear face mask at sa halip ay ipinamamahagi ito sa hanay ng frontliners ng mga ahensiya ng pamahalaan kabilang ang mga security personnel.

Ang paggamit ng facemask sa mga pampublikong lugar ay isang mabisang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng nabanggit na virus na patuloy na lumalaganap sa ibat-ibang bansa. BENEDICT ABAYGAR

Source: http://pilipinomirror.com/face-mask-ng-dost-pasado-sa-who/?fbclid=IwAR3iiH-s0LYjilRxd7c7405SExKiWYJyMHZ8hOo0cjOdc_oW6RNeA49io40

Other News from NCR

RICE FARMERS' CHILDREN TAKE ON CITY JOBS
Posted: Tuesday, July 28, 2020
Farmers believed their children will not have a future if they become rice farmers. Most Qfarmers want their children to obtain college education so they can work on non-farming jobs in urban areas or...   read full story

CHALLENGES DURING THE QUARANTINE PERIOD
Posted: Tuesday, July 28, 2020
Contrary to popular assumption that working and studying from home might bring relief, an online survey during the pandemic shows otherwise. In an online survey of 288 Filipinos conducted between Apr...   read full story

DOST-STII LAUNCHES STARBOOKS WEBINAR SERIES FOR STEM TEACHERS
Posted: Tuesday, July 28, 2020
As a result of community quarantine guidelines that continue to restrict face-to-face interactions and mass gatherings, the education sector has adopted major changes in its overall system of educatio...   read full story

DOST PATULOY NA TUMUTUGON SA HAMON NG SAKUNA
Posted: Tuesday, July 28, 2020
Sa taon-taon na binibisita ng may humigi’t kumulang sa 20 bagyo ang Pilipinas ay masasabi na natin na eksperto na ang ating mga siyentipiko at mananaliksik gayun din ang ating mga weather forecaster s...   read full story