DOST PATULOY NA TUMUTUGON SA HAMON NG SAKUNA

Sa taon-taon na binibisita ng may humigi’t kumulang sa 20 bagyo ang Pilipinas ay masasabi na natin na eksperto na ang ating mga siyentipiko at mananaliksik gayun din ang ating mga weather forecaster sa Department of Science and Technology (DOST)

Dahil sa tumitinding hamon ng sakuna, ang DOST ay lalong nagpupursigi na gumawa at tumuklas ng mga makabagong kaalaman, pamamaraan at mga kagamitan sa pagtaya ng panahon at matugunan ang banta ng mga malalakas na bagyo, pagbaha, lindol, pagsabog ng mga bulkan at marami pang iba.

Ayon sa pahayag ni DOST Secretary Fortunato de la Peña sa pre-State of the Nation Address (SONA) forum noong ika-22 ng Hulyo, pinararami pa ng Kagawaran ang mga instrumento na ginagamit sa weather forecasting.

Anya sa wikang Ingles, “We have installed the additional Doppler radars for tropical cyclone and rain monitoring, and high-frequency Doppler radars for sea waves monitoring as well as flood forecasting and warning systems.”

Idinagdag din ni Sec. dela Peña na nagdagdag ang DOST-Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (DOST-PAGASA) ng isang Doppler radar, 12 high-frequency Doppler radars, at limang flood forecasting and warning systems.

Ibinahagi din ng Kalihim na ang DOST-PAGASA ay nakadebelop ng bagong pamamaraan upang mabantayan ang mga bagyo nang mas maaga kaysa dati upang ang mga tao ay mabigyan nang karampatang babala.

“This method provides information on the possible occurrence of tropical cyclone and its path and trajectory five to 16 days in advance,” pahayag ni Sec. dela Peña.

Sa isang banda ay ibinida din ni Sec. dela Peña ang mga inobasyon ng DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) sa pagdebelop ng mga web app upang matunton ang mga panganib dulot ng lindol. Isang halimbawa ay ang proyektong GeoRisk PH.

Ang naturang proyekto ay bunga ng pagtulungan ng mga ahensyang DOST-PAGASA, DOST-PHIVOLCS, at Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng DENR.

“We continuously expanded our Philippine Seismic Network through the commissioning of additional satellite-telemetered seismic stations,” dugtong pa ni Sec. dela Peña.

Sa kasalukuyan, sabi ng Kalihim, ay may 104 seismic stations na nakakalat sa buong bansa na isang malaking pagsulong mula sa 28 lamang noong 2017. Ito ay makatutulong upang mabatid at malaman ang mga mahihinang lindol hanggang magnitude 3 at matukoy ang mga delikadong lugar na maaaring makaranas ng mas malalakas na lindol. (Source: GMA News Online, Joviland Rita, published July 22, 2020 3:18pm — KBK, GMA News)

Source: http://www.dost.gov.ph/knowledge-resources/news/67-2020-news/1885-dost-patuloy-na-tumutugon-sa-hamon-ng-sakuna.html

Other News from NCR

RICE FARMERS' CHILDREN TAKE ON CITY JOBS
Posted: Tuesday, July 28, 2020
Farmers believed their children will not have a future if they become rice farmers. Most Qfarmers want their children to obtain college education so they can work on non-farming jobs in urban areas or...   read full story

CHALLENGES DURING THE QUARANTINE PERIOD
Posted: Tuesday, July 28, 2020
Contrary to popular assumption that working and studying from home might bring relief, an online survey during the pandemic shows otherwise. In an online survey of 288 Filipinos conducted between Apr...   read full story

DOST-STII LAUNCHES STARBOOKS WEBINAR SERIES FOR STEM TEACHERS
Posted: Tuesday, July 28, 2020
As a result of community quarantine guidelines that continue to restrict face-to-face interactions and mass gatherings, the education sector has adopted major changes in its overall system of educatio...   read full story

DOST PATULOY NA TUMUTUGON SA HAMON NG SAKUNA
Posted: Tuesday, July 28, 2020
Sa taon-taon na binibisita ng may humigi’t kumulang sa 20 bagyo ang Pilipinas ay masasabi na natin na eksperto na ang ating mga siyentipiko at mananaliksik gayun din ang ating mga weather forecaster s...   read full story